Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Posted by fourseven on Feb 24, '08 2:49 AM for everyone

If you don't have notes, then you are SAVED... partially. Incomplete pa toh kaya i-send niyo yung mga report niyo or POST NIYO NA LANG KAYA DITO. Okay?

BULAKLAK NG MAYNILA

TALAMBUHAY NI DOMINGO GOAN LANDICHO

“Isa sa pinakapremyadong manunulat na Pilipino sa ngayon.”

-         kaarawan: August 4, 1939

-         Si Landicho ay kasal kay Edna May Menez Obien, may apat silang anak at apat na apo.

-         Isinilang siya sa Taal, Batangas, anak ng magsasaka.

Pag-aaral:

         - Nakamit niya ang kanyang Bachelor of Arts at BS in Journalism degrees sa Lyceum of the Philippines

         - MA sa Edukasyon sa National Teachers College

   - Nakamit ang Bachelor of Laws degree sa Lyceum of the Philippines.

   - Noong 1994, nakamit niya ang kanyang  Ph.D in Filipinology sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nanilbihan siya bilang Writer-in-Residence at professor sa Department of Filipino and Philippine Literature at associate director for criticism sa Institute of Creative Writing.

         - Siya ang Director for Asia of Poet Laureate International, Miyembro ng PEN International, at isang honorary member ng International Writers' Workshop, University of Iowa.

            - Siya ay nakapaglathala na ng mahigit 30 na aklat.

            -Ang isa niyang nobela “Bulaklak ng Maynila” na nagkamit ng Dakilang Gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay ginawang isang premyadong pelikula.

            - Sa edad na 68, si Landicho ay ginawaran ng titulong Propesor Emeritus, pinakamataas na pagpapakilala sa Unibersidad ng Pilipinas.

            - Si Landicho ay kasalukuyan ding Editor-In-Chief ng Tanod Publication at Grand Knight ng Knights of Columbus sa Quezon City.

            - Isa siyang lifetime member ng National Press Club of the Philippines.

            - Isang Associate for Fiction ng UP Creative Writing Center.

Parangal:

S.E.A. Write Award 2003 Awardee

Carlos Palanca Memorial Awards for Literature of Domingo Landicho

1967 – Short Story Second Prize: “Talulot sa Pagas na Lupa"

1968- Short Story Third Prize: "Himagsik ni Emmanuel Lazaro"

1969- Short Story Third Prize: “Elias at Salome”

1970 – Short Story Third Prize : “Dugo sa Kanyang Pagsilang”

1975 - Short Story First Prize : "Huwag Mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe"

1976 - Maikiling Kuwento Third Prize: “Ang Pangarap ni Isis”

1993 – Grand Prize Novel : “Bulaklak ng Maynila”

1998 - Essay in Filipino Third Prize: "Dyipni"

2005 - Short Story in Filipino Second Prize: "Anay Sa Dagat Na Asul"

PAGSUSURI NG NOBELA

 -     Magagandang Katangian

Ada = masunurin sa magulang

May pagka-inosente

Maganda ang tingin niya sa mga taong pinupuri sya

            respeto at paggalang sa kapwa

Azun =

Ed = binubuhay ang sarili sa marangal na pamamaraan

-     Sakit/Isyung Panlipunan

-         Pagtataksil sa kabiyak

-         kahirapan at pagsusugal

Dahil sa kahirapan nagiging magulo ang buhay ng mga kabataan na naninirahan sa magulong lugar. Natututo sila ng mga masasamang bisyo na nakakasira sa kanilang pagkatao. Dahil rin sa kahirapan, natututo ang iba nating mga kababayan na magsugal. Iniisip nila na sa pag-susugal ay maaaring mapabilis ang pagginhawa ng kanilng buhay, ngunit hindi nila napapansin na eto pala ang unti-unting sumisira sa kanilng kabuhayan.

-     Matatanlinhagang Pahayag/Kaisipan

1.      Ang pag-sabi ni Azun sa anak na kaylangan niyang mag-ingat dahil hindi na siya bata.

explain

2.      “Sa tabi ni Roque, niyayakap niya ang alaala ni Timo.”

Ipinapakita sa tainhagang ito ang pagtataksil ni Azun sa kanyang sariling asawa. Kahit na sila ang mag-kasama, ibang tao ng nasaisip ni Azun.

PAG-UUGNAY SA KASALUKUYAN

Makikita sa kabanata na mayroong nangyayaring hindi maganda sa isang tauhan. May kahinaan ang mga tao tulad ni Azun na di nakatiis at tuluyan ng pumatol kay TimoIsang sitwasyon ay ang mga taong nangangaliwa sa kanilang asawa.

 

PAGKAKAPAMAGAT

Mga Katok sa Puso ng Gabi – Madilim ang pagilid kapag gabi. At sa  kabanata literal na kumakatok si Timo sa puso ni Azun sa kalaliman ng gabi.

 


TITSER

 

TALAMBUHAY NI LIWAYWAY ARCEO

 

Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong January 30, 1924. Ang kanyang mga magulang ay sina Gregorio Arceo at Amada Ablaza.

Sa tunay na buhay, siya ay ginang ni Manuel Prinsepe Bautista, isa sa ating mga pangunahing makata. Ngunit minabuti niyang ipagpatuloy ang paggamit ng kanyang pangalan noong dalaga pa, sa paniniwalang silang mag-asawa’y may kanya-kanyang landas sa pagsusulat.

Hindi naging magaan ang pagpasok niya sa larangan ng panitikan. Tumutol ang kanyang kapatid na manunulat, si Jesus A. Arceo, at ang kanyang ina. Bagay lang daw sa lalaki ang pagiging manunulat, sabi ni Jesus. At naging mahigpit naman sa pag-ayaw ng kanyang ina pagkaraang atakihin sa puso si Jesus at mamatay ito habang kinokopya ang naisulat nang “Pusa sa Aking Hapag.”

Ang tanging nagbigay kay Liwayway ng pahintulot sa pagsusulat ay ang kanyang ama, na siya ring unang nagturo sa kanya ng pagbasa. “Bahala ka kung ano ang propesyong gusto mo,” sabi nito. “Kaya lamang, pagbutihin mo, at maging isa ka sa pinakamahusay kundi man pinakamahusay na nga.”

At tulad ng hiniling ng kanyang ama, ibinuhos ni Liwayway A. Arceo ang kanyang kakayahan sa pagsusulat. Siya ang naging unang babaing peryodista sa Tagalog noong 1945. Nakalikha siya ng mga akdang nagkamit ng mga gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Nakapagwagi sa Catholic Mass Media Awards ang kanyang akdang Francisco ng Assisi sa unang pagkakataon, bilang dula sa sa radyo.

At patuloy pa rin siya sa pagtulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng ating sariling wika.

Si Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, editor), ayon sa isang kritikong gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga katha ng dekada 40, ay feminista na bago pa “nauso” ang katagang iyon.

Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbag na, namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela, ang Canal de la Reina (1985) na isinalin sa Japanese (1990) at dinaluhan ng awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha, ang klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943), na itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog.

Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay nagsanga sa Panitikang relihiyoso at espiritwal nitong huling 13 taon, na nagbunga sa kanyang Catholic Author’s Award (1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa kanyang mga gawad ang Life Achievement Award sa Panitikan (1994) mula sa Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane Letters, honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

PAGBUBUOD

Dumating si Amelita sa kanilang bahay na tila masaya, mapuna ito ng kanyang ina na si Aling Rosa at bigla naginit ang ulo nito. Nagparinig ito ng mga bagay tungkol sa propersyon ni Amelita. Pumasok si Amelita sa kanyang silid. Dumating si Mang Ambo, ang ama ni Amelita. Tinanong nito sa kanyang asawa kung bakit mainit ang ulo. Sumagot si Aling Rosa na pabalang. Tinawag ni Mang Ambo ang anak at tinanong kung pumayag ito sa imbitasyon ni Osmundo, ang mayamang nangliligaw kay Amelita. Umagal si Amelita at doon nagumpisa ang argumento nila ni Aling Rosa.

PAGKAKAPAMAGAT

Ang  kabanata 1 ay may pamagat na PANININDIGAN. Ganito ang pamagat nito dahil sa kabanta na ito

·        subok na pinaninindigan ni Amelita ang kanyang propesyon.

·        Subok na pinaninindigan ni Amelita na ayaw niya kay Osmundo

·        Talagang pinaninindigan ni Aling Rosa na dapat sumunod si Amelita sakanya

·        Nagkakaproblema sa interest ng paninindigan ni Amelita at Aling Rosa

 

 

IBONG MANDARAGIT

TALAMBUHAY NI AMADO V. HERNANDEZ

TALAMBUHAY NI AMADO V. HERNANDEZ

Ipinanganak:              Setyembre 13, 1903

Namatay:                    Marso 24, 1970 (dahil sa atake sa puso)

Nakatira sa:               Hagonoy, Bulacan

Mga magulang:         Juan Hernandez

                                    Clara Vera

Asawa:                       Atang Dela Rama (Reyna ng Sarswela)

Anak:                          Rene Hernandez

Elementarya:             Gagalangin, Tondo

Hayskul:                      Manila High School

Kolehiyo:                    American Correspondence School (Bachelor of Arts)

                                    Harvard University (Journalism) – iskolar

*Panahon ng Hapon – naging gerilya na may ranggong Major

*Kauna-unahang nagturo ng tagalong sa Ateneo

Ø      Taguri:            Makata ng Manggagawa

                                    Ama ng Manggagawa

                                Makatang Nakikisangkot (Literatura ng Paghihimagsik)

Ø      Bilang manunulat:

Patnugot - Mabuhay

Kolumnista – Taliba, Sampaguita, Pilipino, Pagkakaisa, Makabayan

Reporter – Watawat

*Kinasuhan ng “Rebellion Complex

-          Napiit sa bartolina sa Camp Murphy (Fort Aguinaldo) simula Enero 26, 1951 hanggang Hunyo 20, 1956.

-          Pinarusahan ng habang buhay na pagkakabilanggo

Gantimpala/Parangal:

                                    Republic Cultural Heritage Award (1962) – “Isang Dipang Langit”

                                    Commonwealth Award (1940) – “Kayumanggi” (katipunan ng tula)

                                    Gantimpala Palanca sa Dula (1958-1961)

                                    NPC-ESSO Journalism Award for Tagalog Journalism (1963-1965)

                                    Gawad Balagtas (1970) – “Luha Ng Buwaya”

                                    Pagkamakatang Laureado (25 beses)

PAGSUSURI

*Mga Tauhan sa Kabanata:

Mando Plaridel - gerilyong sumisid sa Pacific Ocean ng kabangbakal ng kayamanan ni Simoun;       isang lider sosyalista.

 - siya si Andoy o Alejandro Pamintuan bago naging Mando Plaridel.

- naglakbay sa Estados Unidos at doon ay namulat sa diskriminasyon ng mga Amerikano sa ibang lahi.

Steve - isang negrong patpatin na nakilala ni Mando dahil isa siya sa mga paunang iskaut na nakarating sa bundok ng Luson nang una sa hukbo ng liberasyon ng magkakaanib.

           - nakakaranas ng diskriminasyon sa Estados Unidos sapagkat siya ay itim.

Isang Pilipino - nakilala ni Mando sa Estados Unidos na naisipang maging cividadong Amerikano na sakalaunang napagtantuhan na malulunasan ang kalupitan ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pagiging “American citizen.”

*Magagandang Katangian:

1)     Ipinakita sa kabanatang ito ang matayog na pagmamahal ni Mando sa sariling bansa at kung paano siya naaawa sa lahat ng Pilipino dahil natatamasa nito ang kawalan ng karapatan mabuhay bilang isang tao at Pilipino, pati na rin sa mga kababayang tinatakwil ang sariling bayan at kultura, at nagsusumikap na ibahin ang pananamit, pagkilos at pagsalita ng wika upang maging katulad ng mga Amerikano. Matalino siya, mahabagin at mapagbigay ng mga pangaral.

2)     Ang pagiging masikap at matulungin ni Steve ang mga dahilan kung bakit hindi siya makakalimutan ni Mando. Hanga si Mando sa kanyang katapangan at kagandahang-loob na handang tumulong sa iba gaano man ito kabigat, at kung anuman ang kanya ay para sa lahat. Ipinakita rin kung gaano siya mapagpasensya sapagkat kahit inaalipusta siya sa sarili niyang bayan dahil sa kulay ng kanyang balat bagamat nakamit niya ang tagumpay para sa Amerika. Ganunpaman hindi siya nanlaban.

3)     Isinalaysay ng Pilipinong nakatagpo ni Mando sa Estados Unidos kung paano siya naging masipag upang kumita at makatapos ng karunungan sa isang unibersidad. Nang ilahad niya ang pagpapanggap na isa siyang “American citizen” at kung paano siya natatakot sa pag-uwi sa Pilipinas, pinayuhan siya ni Mando. Dahil dito, nagkita muli sila kasama ang ilan pang Pilipino. Umusbong ang magiting na panukala ng mga kababayan na nagpatunay ng kanyang pagka-Pilipino at nagsambit na hindi sila magiging dalahin ng bayan.

*Sakit/Isyung Panlipunan

1)     Pagtatakwil sa sariling kultura at bansa.

2)     Kakulangan ng pagmamahal sa sariling bansa.

3)     Diskriminasyon – sa kulay ng balat

4)     Pagiging mapagpanggap upang itulad ang sarili sa pagiging estranghero sa sariling bayan.

5)     Kakulangan sa pagtulong upang umunlad ang bawat isa.

*Matalinhagang Pahayag/Kaisipan

1)     Ang pagtatangi sa lahi ay isang marupok na sakong ni Akiles at masamang propaganda sa marangal na pangalan ng Amerika.

- ang pag-aalipusta ng mga puti sa itim ay sumisimbolo ng pagbabalewala nila sa tunay na halaga ng demokrasyang pinaglaban noon ng maraming taong nagsakripisyo, kaya naman kung ganito ang nangyayari, magiging kasiraan ito sa reputasyon ng bayang tinitingala ng lahat na maaaring humantong sa pagbagsak nito.

2)     “Walang lupang dayuhan na maaari mong ipalit sa iyong sinilangan” – Mando

- kahit na anupaman ang sumakop sa ating bansa at kahit pa gaano ito kung tingalain, wala pa ring makakapantay sa pagmamahal sa sariling bayan. Kahit na pilit na kinukutya ang iyong pagiging Pilipino, hindi nila kayang nakawin ang karapatan mong lumingon sa pinanggalingan.

     3) “Ang Pilipino ay Pilipino at di kailanman magiging Amerikano.” – Mando

PAG-UUGNAY SA KASALUKUYAN

            Sa mga pangyayaring nararanasan natin ngayon, marami tayong iniidolong mga artista, mang-aawit, atbp. Marami rin tayong paboritong palabas sa telebisyon, kagamitan at kaugalian na rin. Sa araw-araw na nabubuhay tayo, hindi maiiwasang mahaluan ang ating mga iniidolo, pinanonood, kagamitan at kaugalian natin ng nanggaling sa ibang bansa. Malamang, ang mga gamit na ating suot mula ulo hanggang paa ay hindi rin naman purong gawang Pilipino. Kahit saan ka pumunta, hindi rin nawawala ang mga imported goods or products. Lahat ng mga ito’y naging parte na ng ating buhay. Marahil, naiisip nating napag-iiwan na tayo ng panahon dahil marami pa ing problemang di malutas. Ngunit ganunpaman, hindi ito dahilan upang ikahiya o itakwil ang sariling bayan. Ito ay ang Pilipinas natin. Dapat natin itong mahalin, paglingkuran at lingunin. Kung mayroon mang isang bagay na nagpapatunay ng ating pagka-Pilipino, iyon ay ang perlas ng ating sinilangan.

TIMAWA

TALAMBUHAY NI A.C. FABIAN

-Agustin Caralde Fabian

- isinilang sa Plaridel, Bulacan noong ika-15 ng Agosto ng taong 1901

- nagtapos ng B.S. Industrial Management sa University of Illinois

- ginamit ang mga sagisag na “Angel Fernandez”, “M.S. Martin”, “Felicisimo Cortez”, “Augusto E. Fuentes”, “F. Bani” at “Pilar Buendia”

- unang kabiyak: Angela Fernandez (yumao; sa kanya hango ang isang sagisag ng may-akda)

- mga anak: Leon, Beatriz, Augusto, Manuel at Sergio

- pangalawang kabiyak: Rosario L. Jose

            - mga anak: Emma, Noel

- ayon sa kanya, Higit na mahalaga ang obra kaysa by-line,kaya’t pinili niyang magtago sa kanyang mga inisyal lamang

- naging koronel ng mga gerilya sa Bulacan Military Area noong panahon ng Hapon

- nagsulat at nagging kagawad ng magasing Liwayway

- tinatawag na “tangkad” sa opisina (Liwayway)

- kabilang sa Lupon ng Inampalan na pumili sa 25 Pinakamabuting Kathang Filipino ng 1943

- nagtatag ng sanayan para sa mga manunulat ng Liwayway, ang Bagong Dugo

- yumao noong ika-24 ng Abril, 1976

Mga Ibang Akda (hindi ko `to nasabi, pero nasa powerpoint, sorry)

Maria Mercedes

Sino Ako?

Mga Dayupay

Basta Mayaman

Hindi Man Hanapin

Magbayad Ka!

Ana Malaya

Ginoong Salapi

Limatik

 

 PAGSUSURI        

            TAUHAN

  • Andres/Andy Talon - isang mahirap na estudyanteng Pilipino sa na nagtatrabaho sa isang  dormitoryo sa isang unibersidad sa Amerika.
  •  Alice - tagapangasiwa sa kusina ng dormitoryo na pinagtatrabahuhan ni Andy.
  •   Bill - isang kasamahan sa trabaho ni Andy sa dormitoryo.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI:
  • Si Andy ay sanay sa gawaing bahay haya hindi na bago sa kanya ang trabaho sa dormitoryo.
  •  Labing-anim na taon si Andy nang pumanaw ang kanyang ama,
  •  Nagtrabaho siya sa bapor na bumabiyaheng Pilipinas patungong US. Nakarating siya sa iba’t ibang lugar sa US at namasukang magtrabaho bilang:

1.      San Francisco - naging tagahugas ng pinggan (unang trabaho)

2.      California - bilang isang manggagawa

3.      Washington - namitas ng mansanas

4.      Florida - dalanghita, kamatis, letsugas, repolyo at iba pang mga gulay

5.      Alaska - salmon

6.      Nevada - nagpatag ng daanan ng tren

    Ang kanyang ama ay isang magsasaka -> dumalo sa isang pistang bayan.

    Tinawag na timawa ang kanyang ama pati maging siya ng asawa ng kasamahan nila. At dahil dito, nagbago ang takbo ng buhay ni Bill.

    TIMAWA - mas masagwa pa sa isang gutom. Tumutulad sa isang aso.

    Pagkamatay ng ama sanhi ng pulmonya.

PAGSUSURI

            MAGANDANG KATANGIAN

ANDY - matiyaga at masipag
§         Dahil nagtatrabaho siya upang mapag-aral ang sarili
AMA NI ANDY - marangal
§         Bilang isang magsasaka na maliit ang kita, hindi niya naisipang kumapit sa patalim upang maitaguyod ang kanyang pamilya.
§         Masipag at matiyaga din dahil binubuhay niya mag-isa ang kanyang pamilya
ALICE - maaalalahanin
§         Inaalala niya palagi ang kalagayan ni Andy
BILL - -maunwain
§         Madali niyang naunawaan ang kalagayan ni Andy kahit hindi niya kalahi ito.
 
SAKIT O ISYUNG PANLIPUNAN
 Kawalan ng sapat na trabaho sa mga Pilipino
-Kinailangang umalis ng bansa ni Andy ipang ma-iahon ang pamilya sa kahirapan.
- Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa
Pagiging matapobre at kawalaan ng moralidad
-  Tinawag na timawa ang mga tao sa pistang bayan.
- Pagtingin sa pisikla na anyo at antas sa buhay ng ibang tao.
Kahirapan
- Wala pa ring solusyon sa kahirapan
 

 

PAGUUGNAY SA KASALUKUYAN

1.      Pagtatrabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa

§         Marami pa ring mga Pilipino sa ibang bansa na tulad ni Andy na nais makapagtrabaho sa ibang bansa.

2.      Katayuan at antas sa buhay

§         Maraming naghahangad ng magandang katayuan sa buhay tulad ni Andy.

3.      Pagiging determinado at porsigido sa buhay

§         Malayo ang mararating kung magiging masipag at matiyaga sa buhay tuald ni Andy.

PAGKAKAPAMAGAT

            Ang timawa ay isang tao na daig pa ang isang hayop kung ituring ng iabng tao. Dahil sa salitang ito ay nagising si Andy sa katotohanang kailangan na niyang magsumikap upang matulungan ang kanyang pamilya dahil sila ay ulilang lubos sa parehong ina at ama. Si Andy ang bumuuhay s kanyang pamilya. Nagsusumikap na magtrabaho sa ibang bansa si Andy upang malinis nia ang dangal ng kanyang ama na tianwag na timawa.

            Ang paghugas ng pinggan ang naging unang trabaho ni Andy sa US. Ang trabahong ito ay sumisimbolo sa layunin ni Andy na malinisan ang narumihang dangal ng kanyang ama. Nais patunayan ni Andy na sila ay marangal  ang trabaho ng pagiging magsasaka. Dahil nafungisan na ang dignidad ni Andy, nais niyang magpatuloy sa pag-aaral ng medisina.

 

ANAK NG LUPA

MGA TAUHAN:


OYO - kasintahan ni Bining
        - isang magsasaka
        - hindi nakatungtong sa paaralan
BINING - kasintahan ni Oyo
           - pinagkaka-interisan din ni Torio
TORIO - binatang nakatungtong sa paaralan
          - may gusto kay Bining
GARSE - ama ni Oyo
            - isa ring magsasaka

SAKIT/ISYUNG PANLIPUNAN:
Diskriminasyon
    - makikita dito na minamaliit ni Oyo ang kanyang sarili dahil hindi siya nakapag-aral.
Walang Pangarap
    - madami sa mga mamamayan na ito ay nagsasabing kung anak ka ng magsasaka ay magiging magsasaka ka narin at huwag ka nang mangarap na magka-anak na prinsipe dahil ito ay imposible. hindi na nila ninanais na itaas pa ang antas ng kanilang buhay dahil sa kanilang paniniwala na ganito.
Chismis
    - isa din itong matinding sakit sa lipunan sa akdang ito dahil nakakasama ito sa kanilang komunidad
Kawalan ng Edukasyon
    - higit sa lahat makikita sa akdang ito na halos lahat ay hindi nakatungtong ng paaralan at minabuti na lamang nila na magtrabaho kaysa mag-aral.

Mabuting Katangian:
May Pag-asa
    - si Oyo ay hindi nawawalan ng pag-asa na mai-angat ang kaniyang buhay mula sa pagiging isang magsasaka.
Pagmamahal
    - makikita dito na si Oyo ay mahal na mahal si Bining at gagawin niya ang lahat upang mapaginhawa niya ang buhay nila kapag sila ay nagpakasal na
Pangarap
    - nangangarap si Oyo ng isang mas mabuting buhay at kahit papaano ay magkaroon ng edukasyon

Pagkakapamagat: Luha sa Mata ng Bato
    - ang pamagat ay tinutukoy si Oyo. masasabi na si Oyo ay nagpapakita ng kanyang kakisigan sa mata ng mga taong kaharap niya ngunit may mga hinanakit din siya sa kanyang loob. ito ay nailabas lamang niya ng siya ay umiyak pagkauwi niya sa inuman at nang makita niyang dinadalwa ni Torio si Bining na tila may gusto sa isa't-isa.

 

MAGANDA PA ANG DAIGDIG

Straight from the group's report.

Talambuhay:

 

–         Ipapalabas ang buhay ni Lazaro Francisco katulad sa palabas na “Maalaala mo kaya,” kung saan magbabasa ng liham kung saan nakalahad ang kwento ng may-akda.

 

Dear Ate Charo,

 

Itawag mo na lamang ako sa pangalang “Ka Saro”. Isinilang ako sa Orani, Bataan noong Pebrero 22, 1998. Ako ang pang-apat na anak ng mag-asawang Eulogio Francisco at Clara Angeles. Nang ako’y naging labing anim na taong gulang, lumipat kami sa Cabanatuan, Nueva Ecija para magkaroon ng masmabuting kabuhayan at doon na din ako lumaki si. Ang una kong naging asawa ay si Pelagia T. Duran na sumakabilang buhay noong 1928 at ang ikalawa ay si Trinidad P. Arrieta. Ako’y nagkaroon ng sampung anak.

 

Hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral ngunit sinikap kong punan ito sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral ng mag-isa. Sinubukan naman akong “ipagbili” ng aking ama sa sinumang makapagpapaaral sa akin kaya siya’y lumapit sa isang mayamang kamag-anak namin na handing tustusan ang pag-aaral ko kung magpapalit kami ng relihiyon at iiwan ang pagiging Protestant. Syempre, kami’y di pumayag. Noong nagkaroon na muli ako ng pagkakataong mag-aral, huli na ang lahat dahil ako’y dalawampu’t anim na taong gulang na, may asawa at anak.

 

Ako’y kumuha ng eksamen sa serbisyo sibil at nakapasa. Sa kabuuan, apatnapu’t apat na taon akongg nagsilbi sa gobyerno.

 

Lahat ng aking mga nobela maliban sa Bayang Nagpatiwakal  ay nalathala sa Liwayway. Minutya ako ng Liwayway noong 1958 bilang pangulo ng KAWIKA (Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino) Mga dalawampu’t pitong taon na ako nang aking naisulat ang una kong nobela, ang Binhi at Bunga, na sinundan ng Cesar. Limampu’t pitong taong gulang naman na ako nang aking mailathala ang Maganda pa ang Daigdig Ang paborito kong kabanata ditto ay nagngangalang Si Ernesto…..

 

(dito papasok ang buod sa paraan ng isang dulaan.)

                                                                                                Nagmamahal,

                                                                                                Lazaro Francisco

 

(after nung buod/skit nung kabanata)

Ang nobelistang si Lazaro Francisco ay yumao na noong Hunyo 17, 1980.

 

 

 

Pagbubuod:

 

–         Kadugtong sa talambuhay.

 

Sa kabanatang ito napakita ang sitwasyon ni Ernesto. Ang tatay ni Ernesto ay biglaang dinakip ng mga pulis. Siya ay tila naulila sa nangyari dahil wala na rin ang kanyang ina. Si Miss Sanchez ang nagmagandang loob na kumupkop o umampon sa kanya. Likas na mabait si Miss Sanchez. May isa pa siyang ampon o anak-anakan, si Ernestina.
Hindi lamang si Miss Sanchez ang may magandang loob na nais tumulong kay Ernesto. Ang buong kapisanan ay nais makatulong kay Ernesto sa kahit anong paraan. Andiyan si Aling Ambrosia, ang labandera ni Miss Sanchez. Dumaan siya sa bahay ni Miss Sanchez at sinabing hindi na daw muna siya magpapabayad sa mga labada niya sa kanya. Kahit sa ganung paraan lang daw ay nais makatulong ni Aling Ambrosia sa mga pasanin ni Miss Sanchez. Nabanggit din niya ang kagustuhan ng kangyang mga kapitbahay na makatulong. Noong araw ding yun ay dumating sa bahay niya si Estanislao Villas kasama ang mga kagawad ng lupong-pamunuan ng kapisanan ng mga magulang at guro. Ibinalita ni Villas na buong pagkakaisang pinagtibay ng lupon sa tangning pulong ng tinalikdang gabi na magambag-ambag ang buong kapisanan para sa ibabayad sa magiging abogado ni Lino. Ngunit sinabi ni Miss Sanchez na kung gagawa din lang ng bagong panukala, dapat patas para sa lahat dahil baka dito magkaproblema ang kapisanan. Iminungkahi niyang dun sa mga gustong tumulong ay tumulong na lamang pero gawing labas sa pangalan ng kapisanan ang kanilang pagtulong. Sinabi din ni Villas na nakausap na niya si Marcelo Ligon isang abogado, hahawakan daw niya ang asunto at wala na daw silang dapat alalahanin sa gastos. Nasabi ni Miss sanchez na kung kukuha din lamang ng abogado e yung totoong abogado na daw. Umalis si Villas at ang kaniyang mga kasama. Pag-uusapan daw nila, kasama ang mga miyembro ng kapisanan, kung pano makakatulong kay Lino. Namangha na lamang si Miss Sanchez sa mga nangyari. Nakikiisa ang buong kapisanan sa lungkot o saya ng kanilang kapwa. Ngayon ang gusto na lamang malaman ni Miss Sanchez ay kung totoong may kasalanan ba si Lino at kung meron man, gaano kabigat ang kanyang pagkakasala. Ang sagot sa mga katanungan niyang ito ang magiging basehan o may malaking epekto sa magiging kinabukasan ni Ernesto.

 

 

Pagsusuri:

 

Ø      Magandang Katangian: kooperasyon

                                                pagsisikap

–         Ito’y ipapakita sa pamamagitan ng 2 laro.

–         Newspaper dance

§         Upang maging matagumpay kinakailangan magtulungan ang bawat grupo. Maiuugnay ito sa kooperasyon nina Miss Sanchez upang matulungan si Ernesto.

–         Trip to Jerusalem

§         Ito’y isang laro kung saan ang huling matitira ang wagi. Maiuugnay ito sa mga batang nawawalan ng magulang, tulad ni Ernesto at kinakailangan matutong magsikap at hindi lubos na umasa sa iba. 

 

Ø      Sakit ng Lipunan:

–         Kawalan ng hustisya sa pamahalaan.

 

 

Pag-uugnay sa kasalukuyan:

–         Si Ernesto ay isang batang naghahanap o sabik sa kalinga ng magulang. Tulad ni Ernesto ang mga anak rin ng OFW workers ay nangungulila sa kani-kanilang mga magulang. Pareho silang nakakaranas ng lungkot at pag-iisa paminsan minsan. Lalo na kung sa mga pasyalan ay nakikita ng mga batang masayang kasama ang kanilang mga magulang.

 

Si Ernesto at ang mga anak ng OFW workers ay mayroong ding tagapagalaga habang wala ang kanilang mga magulang. Ang mga tagapagalagang ito ay nagsisilbing kanilang mga pangalawang magulang habang ang mga tunay nitong magulang ay wala para sila ay alagaan.

 

 

Pagkakapamagat:

 

Ø      Maganda Pa Ang Daigdig”

–         Ipinahihiwatig dito na kahit puno ng kalituhan at kaguluhan ang mundo ni Ernesto, mayroon parin mga nagmamahal sa kanya at handing tumulong tulad ni Miss Sanchez, para bigyang pagasa ang buhay niya. Sa kabuuan, hindi mawawala ang pagasa kahit na puno ng dagok at kaguluhan ang buhay.

 

 

 ONE STORY TO GOOOOOOO!!!


30 CommentsChronological   Reverse   Threaded
erinzkikay wrote on Feb 24, '08
okayyy. di ako 4-7. =))
Hello vane!:))
fourseven wrote on Feb 24, '08
Erin, MAGNANAKAW!!!

Hahaha:)) sige nakaw lang.
kyndler wrote on Feb 24, '08
woa.. wala pa nmn akong notes.. thanks.. sino gumawa nyan? :)
fourseven wrote on Feb 24, '08
AHEM AHEM.
akosibonyang wrote on Feb 24, '08
hello :))
pilar221 wrote on Feb 24, '08
uy si vane! :)) si vane ka ba? =))
pilar221 wrote on Feb 24, '08
sige po-post ko nalang yung ANAK NG LUPA bukas. :D
tuesdayswithrory wrote on Feb 24, '08
thankyou! :D
swooshie wrote on Feb 24, '08
YAHOO:))
glyzi wrote on Feb 24, '08
yes.. may notes na ako..
fourseven wrote on Feb 24, '08
friends, STRICTLY FOURSEVEN LANG HA???

Walang makulit! Patayin si Erin sa Tuesday!!! HAHAHA:))
fourseven wrote on Feb 24, '08
Friends, pwedeng palitan yung layout ng multiply ng white lang??

Kasi ang hirap i-copy paste ng notes straight form the site eh.
pilar221 wrote on Feb 25, '08
http://pilar221.multiply.com/journal/item/103/ANAK_NG_LUPA_

eto yung link dun sa notes ng anak ng lupa. :D ang haba na kasi masyado ng page na toh. :P
erinzkikay wrote on Feb 25, '08
friends, STRICTLY FOURSEVEN LANG HA???

Walang makulit! Patayin si Erin sa Tuesday!!! HAHAHA:))
HAHAHAHA :)) :)) May notes ako noh :P
christineallado wrote on Feb 28, '08
omigulay.. this is such a life saver... hehe.. di ako from 4-7 but i love this! =D
fourseven wrote on Feb 28, '08
UPDATED NA. One more story to go.

Hello JO's group. KAYO NA LANG!!!!
elyuwai wrote on Feb 28, '08
lifesaver plz. i love you fourseven! ATE VANENEEEE <333 :D yeay.
fourseven wrote on Feb 28, '08
Hello Lulu.:))

STRICTLY FOR SENIORS na yung entry na toh. :))
cyre296 wrote on Jun 25, '08
hello, wahah. ang cool naman tong blog niyo! so much useful. thanks. what school ba toh? :))
argelooo wrote on Jan 2, '09
thanks
angellejharelle wrote on Feb 12, '09
wla bng buod tlga ng anak ng lupa??
breathfast wrote on Feb 13, '09
Haha
Salamat sa Talambuhay ni Liwayway :D kelangan ku yun sa suring aklat eh :]
bea741 wrote on Feb 13, '09
excuse me po. pwede po ba makahingi ng buod ng anak ng lupa? need lang po tlga as soon as possble po.. salamt po.
kaolla115 wrote on Mar 8, '09
THANKS!!! it helps a lot!!!
lilcheeky21 wrote on Oct 1, '09
thanks dito!! sa timawa. it helps me a lot to finish my LIT paper. thank you so much!! :))
hitsuka wrote on Nov 23, '09
hehehehehe tnx
gurlmhae wrote on Jan 27, '10
tnxoo.. very useful :D
era031 wrote on Feb 7, '10
tnx po :)
tulong din po to sa book report namin ng "titser."
bka may iba pa po kaung details :p
vanee08 wrote on Aug 6, '10
kelangan ko po ung paguwi ni liwayway arceo,,
wala po d2 ee,.,
peo 0k,.:))
nikosharbel wrote on Oct 31, '10
wala po bang buod ng "Bulaklak ng Maynila" ??? hehe
Add a Comment